Hello, kumusta ka na kung sino ka man na
madadalaw dito sa website na ito. Pagpasensyahan mo na muna kung ano
ang makikita mo dito. Wala lang, praktis lang ba.
Matagal na rin akong nakapagregister ng account sa
yahoo. Siguro mga tatlong taon na pero kita mo naman ang
kaawa-awang kalagayan ng website na ito. Ilang beses ko na ring
sinubukan na lagyan ito ng laman pero dahil sa lahok-lahok na dahilan,
hindi matapos-tapos. Siguro dahil walang maisip, sobrang busy,
problemado at kung anu-ano pang samut-saring kadahilanan. Ngayon,
panibagong attempt ko na naman ito na lagyan ito ng laman. Sana this
time eh ok na.
Siguro pa-birthday ko na rin sa sarili ko dahil nga birthday ko ngayon. Actually bukas pa dapat dahil andito ako
sa Limerick, pero dahil nga mas una sa Pilipinas ang araw
at doon ako ipinanganak, technically, pumatak na yung metro to signal na
nadagdagan na naman ako ng taon. Hay naku, talagang di na mapipigil ang
pagtanda ko. Tatlumpong taon na pala ako dito sa mundo.
Siguro, itatanong mo, ano naman kaya ipagkakalat ko dito sa world wide
web? Actualy at honestly, hindi ko alam. Pero pipilitin kong
may masabi naman ako dito na may kabuluhan. Siguro maige pa na
umpisahan natin kung sino ako pero yan ay di pilitan. Kung
interasado ka lang naman. Kung hindi, may goggle naman at siguradong
di ka mauubusan ng pupuntahan.
Kung gusto mo pang magbasa-basa, click ka lang dyan sa kaliwa.
Kung may mapansin kang mga mali, padala ka sa akin ng email at pag-aaralan
ko kung anong dapat gawin. OK?
|